The National Catechetical Study (NCS) 2021:
Pastoral Action Research and Intervention (PARI) Project Extension - Synodality Enriching Evangelization Design (SEED)
Catechetical Module-Making Workshops (CMW)
CLICK TO DOWNLOAD
Mga Taga Salin
Luciana Urquiola
Gloria Año-Oray
English
Bikol
Erlinda Balaora
Ma. Danielle Villena
Ilocano
Fr. Carlos C. Villanueva
Florence C. Navidad
Kapampangan
Charles Henry C. Espiritu
Bisaya
Fr. Nelson Santillan Plohimon, OAR
Ma. Cecilia L. Balajadia
Msgr. Maximo Sarno
Hiligaynon
Ray Anthony Bofill
Cynthia Tendencia
Ibanag
Fr. Carlos C. Villanueva
Kapampangan
Charles Henry C. Espiritu
Paskong Katekista:
Isang Tulang-Pananaliksik
Ngayong Pasko
May bago akong
Kwento.
Tungkol sa
Mga bayani
Ng simbahang
Naglilingkod,
Nagtuturo't
Nagsasakripisyo
Para ihatid
Ang kwento ni
Kristo.
Walang bayad
Nagsasakripisyo
Para sa tatlumpung-
Minuto.
Gamit ang ngiti
At sangkatutak
Na lakas ng
Loob
Para ihatid ang
Pananampalataya
Di para sa
Sarili
Ngunit para sa
Simbahang
Mahal.
Sila ang mga
Katekistang
Unang nagturo
Sa akin
Nang halaga ng
Pasko.
Sila an Paskong
Nagtampok sa
Tunay na diwa
Ng pagdiriwang.
Sila an mga parol
Na an kinang
Ay ningning ng
Bawat isang
Naturuan
Napaliwanagan
Naliwanagan.
Na ang Pasko
Ay tungkol kay
Kristo.
Salamat sa mga
Katekista.
Salamat sa
Paalaala.
Pamasahe
Pinagmamasdan ko ang tumpok
Ng mga batang nagkakagulo,
Nagkakaingay doon sa kuwarto.
Nanahimik muna, nag-antandang
Sabay-sabay, dinasal ang Aba Ginoong Maria
Kapit ang rosaryong taglay.
Doon, sa malayong barangay
Milya ang distansiya mula sa simbahang
Katedral ng pananampalataya.
Hindi nangaral kundi nagbahagi -
Mga aral tungkol sa simbahang
Mahal; na di naghihintay ng sukli.
Sapagkat walang bayad ang paglilingkod
Maliban lang sa pamasaheng
Baon ay pag-ibig sa Diyos.
Bakit Ayaw Magsimba
Ng Mga Bata?
Isang katekista ang nagbahagi
Tungkol sa mga batang tinitiyaga
Niyang turuan ng mga kwentong
Tungkol sa Diyos,
Tungkol sa simbahan.
Isang magulang ang nagbahagi
Tungkol sa kanyang mga anak
Na pasaway daw sa bahay,
Walang galang sa nakakatanda
Walang interes magsimba.
Isang bata ang nagkwento
Tungkol sa sitwasyon
Ng pamilya niyang mahal
Mga magulang niya'y away nang away,
Mga magulang na damdamin - hiwalay.
Nang tinanong ng katekista
Ang bata, "Bakit ayaw mong magsimba?
Sagot niyang tumutulo ang luha,
Hindi naman "sila" nagsisimba, silang
Hindi na magulang ng pananampalataya.
Nang tinanong ng katekista
Ang bata, "Bakit ayaw mong magsimba?
Sagot niyang tumutulo ang luha,
Hindi naman "sila" nagsisimba, silang
Hindi na magulang ng pananampalataya.
Hikbi't tangis ng katekistang
Nagpupumilit kumbinsihin ang
Batang litong-lito sa mundo
"Mukhang katekesis sa magulang ang
"Mukhang sa mga anak magpapakatotoo-
"Tungkol sa pananampalataya,
"Tungkol sa simbahan,
"Tungkol kay Kristo,"
Pabulong na dasal ng katekistang
Pinagmamasdan ang batang
Tangan ng kanyang magulang
Palabas ng kapilyang
Minsan isang linggo,
Lugar ng katesismo.
Katekistang - Lingkod
Ang pagiging katekista'y
Parang isang awit,
Sipag ang titik
Ang lirikong himig,
Ang bawat paggalaw
At kumpas ng isip
Ay para sa Diyos
Dahil sa panatang
Kantada ng lambing
Sa bawat tinuruan
Tiyempong mapusuan
Aral at karunungan
Ng Inang simbahan.
Ang paglilingkod entranda
At finale, hanggang
Manatiling dama't dinig
Kinantang awit - ang
Katekistang-lingkod -
Pag-asa ng simbahan
Tagapagtanggol ng
Pananampalataya't
Pag-ibig, ang
Sandatang-awit!
Para sa Diyos,
Para sa simbahan,
Para sa lipunang
Pilipinas.
Lider - Kateketikal
Ang pagiging lider
Sa ministrong kateketikal
Tulad waring-gabay
Mga sakramento:
Simula sa binyag
Ang pagtanggap sa
Pananagutang mamuno,
Eukaristiyang misyon
Nang pagbabahagi
Ang laging papawi
Sa lahat ng balakid.
May disposisyong kumpisal,
Pag-amin ng kahinaan,
Dahil mga gawaing
Kateketikal pala'y
Mahirap at seryoso -
Tulad ng pagpapakumpil
Na tulong-kalinga't
Yakap at patnubay
Mula, Espiritu Santo.
Ang lider-kateketikal
Propetang pari
Sa lahat ng sandali
Katekesis ang lambing
Tulad ng pagmamahalan,
Pag-iisang dibdib
Turo ng simbahan
Kristong inibig.
Nang sa huli
Pagod man, o
May panghihina
Tangan pa rin
Ng lider-kateketikal
Ang pinagpalang langis
Na pag ipinunas
At maingat na hinaplas,
Mahinang pananampalataya'y
Sisigla't mabubuhay,
Dahil ang paglilingkod
Bilang lider-kateketikal
May tamis at wagas.